ilang tulog na lang...
ilang tulog na lang may hatchback nanaman ako. woohoo!!!
ilang tulog na lang wala na ako sa pinas. woohoo!!!
ilang tulog na lang. bow!
kasalukuyang nakikinig sa: panic! at the disco - i write sins not tragedies
tala-arawan ng isang simpleng tao na sinusubukang gumawa ng mga hindi ordinaryong bagay.
ilang tulog na lang may hatchback nanaman ako. woohoo!!!
ilang araw na lang aalis na ako. ganadong ganado na ako. ito na siguro ang pinakamalaking bakasyon ng buhay ko. wala akong iisipin kundi magrelaks, magenjoy, magpakasaya.
ilang araw/linggo na lang, ako'y lilipad na paalis ng walang kwentang bansang pilipinas. sana pagbalik ko dito may baon na akong magandang balita para sa mga magulang ko. sana pagbalik ko dito, makaalis na ulit ako pagkatapos ng ilang araw. tangina. kung alam niyo lang kung gano ko na kagusto umalis dito. limang taon na ako nagtatrabaho't wala pa din akong ipon. ang perang gagamitin ko papunta dun ay dala ng pagbenta ko ng kung ano anong bagay. uutang pa ako ng kaunti sa ermats ko (salamat ma! hehe!). pasensya na. hirap lang talaga ng buhay ngayon eh. hehe!
nung sabado, bumili ako ng bagong cellphone dun sa kaibigan kong nagbebenta ng mga cellphone at iba pang gadgets sa greenhills. ang napusuan kong model ay yung W810i ng Sony Ericsson. malupet din tong teleponong eto. kumpleto na din dahil may 2mp camera, mp3 player, radyo at organizer. swabe na din. pero kahit pano, namimiss ko na yung P910i ko. di naman kasi ako magpapalit ng cellphone kung di nasira yung keypads nun eh. haaaay...nakakalungkot. ako pa naman yung tipo ng tao na deins nagpapalit hanggang naluma na ng todo o nasira na yung bagay. kumbaga, sulit na sulit. kaya't ganun na din ako ka-alaga sa mga gamit ko.
*&^%$#@!!! walang katapusang ka-emohan at kamalasan. ayaw ko na! pagod na pagod na ako! kelan ba ako dadaanan ng swerte? wag na wag niyo din akong sasabihan na may mas malas pa sa akin dahil hindi ako sila. hindi ko nararamdaman ang nararamdaman nila. lalo nang hindi niyo nararamdaman ang nararamdaman ko. hindi ko din iniisip ibang tao (for a change) dahil hindi naman nila ako iniisip.
tuwing naririnig ko ang kantang overdrive ng batikang eraserheads, tuwang tuwa ako. ika nga ni ely sa isa sa mga gigs nila "this song is about escaping, going somewhere, just driving around". napakasimple nung kanta pero lagi akong tinatamaan. siguro dala ito ng pagod sa pagiging emo. sa pagiging malungkutin at mapagisip. gusto ko lang magdrive. gusto ko lang lumipad. gusto ko lang kumawala.
kagabi nag-jamming kami ng banda ko. unang jam. sagwa. sa pagkaalala ko, hindi ganito kasagwa nung unang nag-jam yung suspicious character. pero sige. bibigyan ko ang aming sarili ng benefit of the doubt. ok naman boses ni alva. kaya niya yung boses ni gwen stefani sa kantang "simple kind of life". si jp (drums) halatang nangangalawang. si mark (bassist) halatang di pa sanay humawak ng baho (gitarista kasi siya ng fancycakes). si jeb walang wala sa timing. ako man, may mga sabit at mali din. muhkang malayo pa to bago kami umabot sa performance level. gusto ko na nga banatan kagad ng mga orig eh. medyo nawala din yung excitement level ko. di kasi kami ok. haha! pero kahit pano, pwede na din...at least may umpisa.
sa wakas. pagkatapos ng lahat ng poot at kabaliwhan na nararamdaman o nararanasan ko may mga magandang mangyayari din sa akin. mamayang gabi malamang magjamming kami ng bago kong banda. di ko pa alam kung ano mangyayari sa amin o ano ang tunog namin pero ang napagusapan namin na pagjajammingan ay ang "today" ng smashing pumpkins, "my hero" ng foo fighters, at "simple kind of life" ng no doubt. rekta na din siguro kami sa mga orihinal na kumposisyon ng bahista namin (na gitarista din ng bandang fancycakes).
amf! lunes nanaman! umpisa nanaman ng isang linggong trabaho. lagi na lang ganun. parang tenbits na tenbits ang weekend. kelangan ko na ata talaga magpahinga o magrelaks.
itong mga nakaraang araw, medyo nawiwili ulit ako sa pagkuha ng mga litrato. naaaliw ako dun sa naging uso nung mga nakaraang taon...ang lomography. napapabasa ako sa mga site tulad ng lomomanila at iba pa.
kahapon ang evaluation ko para dun sa tatlong huling buwan ng 2006. medyo nalungkot ako sa binigay sa akin ng boss ko. sa aking opinion mababa masyado yun para sa mga ginawa ko o nagawa ko nung mga panahong yun. ang mga tinukoy na punto ay dahil dun sa kagagawan ng isang kasama ko sa trabaho. unang una, hindi ko naman kasalanan na ganun ang kalidad ng trabaho ng tao na yun. pangalawa, di ko din naman kasalanan na tinanggap nila yung tao na yun sa kumpanya na eto. pangatlo, di ko naman din lalo kasalanan at napunta siya sa team ko. sila sila din naman ang naglalagay ng mga tao sa mga project. hindi na din ako nagsalita dahil alam kong wala din namang kwenta kung pinatagal ko pa yung usapan. wala din naman mangyayari at di na din naman magbabago isip nila dun. hindi ako makatulog ng maayos kagabi dahil dun. iniisip ko talaga kung san ako nagkamali at kung ano pa ang mga pwede kong gawin. lahat ng anggulo sinilip ko. pagkatapos ng lahat ng pag-mu-muni muni na ginawa ko...naisip ko lang talaga na kung ganun ulit ang maging sitwasyon, hindi din maiiba at malalayo ang kahihinatnan nun.