Wednesday, February 07, 2007

pebrero siyete.....

kagabi nag-jamming kami ng banda ko. unang jam. sagwa. sa pagkaalala ko, hindi ganito kasagwa nung unang nag-jam yung suspicious character. pero sige. bibigyan ko ang aming sarili ng benefit of the doubt. ok naman boses ni alva. kaya niya yung boses ni gwen stefani sa kantang "simple kind of life". si jp (drums) halatang nangangalawang. si mark (bassist) halatang di pa sanay humawak ng baho (gitarista kasi siya ng fancycakes). si jeb walang wala sa timing. ako man, may mga sabit at mali din. muhkang malayo pa to bago kami umabot sa performance level. gusto ko na nga banatan kagad ng mga orig eh. medyo nawala din yung excitement level ko. di kasi kami ok. haha! pero kahit pano, pwede na din...at least may umpisa.

o nga pala..wala pa din kaming pangalan. kaya kung may maisusuggest kasyo...post lang kayo dito sa aking tagboard o kaya magcomment kayo dito.

o nga pala. kagabi ko lang napatunayan na di ko talaga trip ang metal na pedal. yun kasi pedal ni jeb, hindi ko talaga masakyan yung tunog. pasensya na. kanya kanya lang naman yan e. mas maganda pa din talaga ang overdrive o di kaya distortion.

salamas!

kasalukuyang nakikinig sa: urbandub & dicta license - future

0 komento:

Post a Comment

<< Home