kung pinoy si noah...
i got this from a colleague of mine at work...i normally do not read these types of email as i think it's a waste of time but for some reason or another i found myself actually going through this one...
...it just cracked me up. enjoy!
Kung Pinoy si Noah....
Ganito ang mangyayari sa arko. Read along...
Taong 2005 at isang ordinaryong middle class pinoy si Noah. Nagpakita
sa kanya ang Diyos at sinabing "Pagkatapos ng isang taon ay bubuhos ang
ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka
ng isang malaking arko at isakay mo rito ang pares-pares
na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba't ibang
kapuluan." Ibinigay kay Noah ang specs ng Arko at taos puso nitong
tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa
napipintong pagbaha.
Lumipas ang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang arkong
nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos, "Nasaan ang
arko na ipinagawa ko sa iyo?" Tumugon si Noah, "Patawarin po ninyo ako
kung di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa
plano po ninyo."
At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko.
Humingi siya ng Mayor's permit
pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko ay ang
construction firm ng kanyang pamangkin. Tumungo siya sa Congressman
pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang
30% commission. Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang manggagawa at
nag-strike.
Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito
ay nag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpili ng mga taong
sasakay sa arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng
sumakay). Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil bias daw na
normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay.
Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman
daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa
donasyon ng mga gambling lords at katas ng weteng.
Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado
"in aid of legislation". Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para
makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive official, napilitan
siyang tumistigo.
Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko,
dineklara nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang
ang separation ng church at state .
Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang
impormasyon na ang barko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas.
Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na it o raw ay gagamitin ng grupong
Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo. Nilapitan ni Noah si
Mike Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang
arko kung ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na may
slogan "Towards a Strong Republic". "Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon
po ay may TRO ang pag-gawa ng arko.
Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong
proyekto." Ang huling wika ni Noah. Napa-iling ang Diyos at sinabing,
"Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito. Hayaan ko na lang
kayong sumira nito."

0 komento:
Post a Comment
<< Home