Monday, February 05, 2007

pebrero singko...

amf! lunes nanaman! umpisa nanaman ng isang linggong trabaho. lagi na lang ganun. parang tenbits na tenbits ang weekend. kelangan ko na ata talaga magpahinga o magrelaks.

etong mga nakaraang araw. nagumpisa nanaman ako maging emo. ewan ko ba! amf na buhay to. sinusubukan ko naman maging masaya pero anlabo talaga. hehe...lista ko yung mga rason na naiisip ko sa tuktok ng ulo ko...

1.) malapit na ako magbente siyete...hindi ko pa din kayang mabuhay mag-isa. amf! P12000 na cellphone nga hindi ako makabili eh. labo talaga. teka, magkalinawan muna tayo ah. di porke project manager ang trabaho ko, ibig sabihin malaki na ang sweldo ko ah. napagalaman ko nga na ang sweldo ko pala dito ay katumbas lang ng isang normal na programmer. amf! lupet diba? kung susuriin mo ng maigi, ako dapat ang bisor o bossing ng mga yan...pero katumbas lang o mas maliit pa ang sweldo ko sa kanila.

2.) kanina papasok ako sa opisina habang nasa bus, napansin ko may parang dumi yung bag ko. parang isang butil lang ng kanin...siyempre, aalisin ko sa bag ko yun. amf! tae ata ng butiki yun eh. badtrip. kung malas ka...malas ka talaga!

3.) gusto ko pa ding makapunta ng singapore. hanggang ngayon, wala pa din akong makitang ok na trabaho dun. gusto ko pumunta dun maski walang trabaho, pero tulad ng nasabi ko dun sa numero uno...wala akong pera. nahihiya din akong umutang sa mga kamag-anak ko. kaya eto. nagtitiis pa din sa walang kwentang bansa na to.

4.) kapag nanunuod ka ng balita mapapansin mo na kung ano anong rason lang ang pinagaawayan ng mga pulitiko natin. pati pag-takbo ni lito lapid at manny pacquiao pinaguusapan. amf! eh kung tinututukan niyo na lang kaya ang pag-unlad ng bansa natin kesa ginagawan niyo ng isyu yung pagtakbo nila?!

5.) yung oto ko, muhkang masisira nanaman. amf! gastos nanaman!

ang isang medyo ok lang na nangyari sa akin ay bukas, may praktis na kami ng banda ko. sa wakas. pero di pa din natin sigurado kung ano mangyayari sa amin. kung ok na kami o hindi

putangina. puno't dulo gn halos lahat ay pera. tila, tama nga yata at pera talaga ang nagpapaikot ng mundo. kaya kung sino man yung nagpapaikot ng mundo, baka pwedeng pakipara lang po't bababa na ako.

ayoko na.

kasalukuyang nakikinig sa: sponge cola - sa bingit ng isang paalam (pasensya na. di ko sila trip pero ok 'tong kanta na to)

0 komento:

Post a Comment

<< Home