Wednesday, February 14, 2007

exxxcited na mani!

ilang araw/linggo na lang, ako'y lilipad na paalis ng walang kwentang bansang pilipinas. sana pagbalik ko dito may baon na akong magandang balita para sa mga magulang ko. sana pagbalik ko dito, makaalis na ulit ako pagkatapos ng ilang araw. tangina. kung alam niyo lang kung gano ko na kagusto umalis dito. limang taon na ako nagtatrabaho't wala pa din akong ipon. ang perang gagamitin ko papunta dun ay dala ng pagbenta ko ng kung ano anong bagay. uutang pa ako ng kaunti sa ermats ko (salamat ma! hehe!). pasensya na. hirap lang talaga ng buhay ngayon eh. hehe!

ngayon ay valentine's day. eh ano ngayon?! putangina. hindi ko talaga maintindihan kung bakit kelangan ipagdiwang itong araw na eto. araw daw ng mga puso. araw na kung saan ang mga magsyota ay extra malambing at mabait sa isa't isa. eh ano ngayon?! punto ko lang, dapat di lang kasi sa isang araw ginagawa to. dapat buong taon...dapat palagi. ano mangyayari sa inyo pagkatapos ng valentine's day? balik sa dati? dating gawi ulit? tipong wala na yung kasweetan, wala na yung kalambingan? kalokohan yan. ang galing nga naman ng mga tao. naisip ko lang...wala sigurong maipagdiwang ang mga tao sa buwan ng pebrero...kaya gumawa na lang sila ng ganyan. tiba tiba naman ang mga kainan at mga nagbebenta ng bulaklak, tsokolate, cake, at iba pa. sobrang trapik pa kapag ganitong araw. pakshet. mga tao nga naman..andaling magpadala para sa mga bagay na walang kwenta. teka teka..napagisip ko lang..parang ganyan na din nararamdaman ko tuwing pasko ah. hehe!

sensya na. di ako bitter tulad ng malamang iniisip niyo. may gf po ako. masaya naman ako. kaya tigilan niyo na ang mga haka-haka na malamang may poot lang ako.

t@ng!n@. naiimadyin ko na si Mark na sinasabihan ako "you're getting too old man." ayos.

sa sabado nga pala. ipagdidiwang ko ang aking kaarawan. pero feeling ko. bente singko pa din ako. haha! simula nung tumapak ako sa edad na yun, pakiramdam ko'y di na ako tumatanda. ayos ba? ayos na ayos!

kasalukuyang nakikinig sa: Sugarfree - Kwarto

1 komento:

At 6:23 PM, Blogger iamKayan said...

ahem ahem, baka kapag andun ka na, at iniinhale-exhale mo na ang amoy 'nila' eh bawiin mo ang sinabi mong "walang kwentang bansang pilipinas." mamimiss mo bigla ang BANGO ng tambutso ng mga bus sa EDSA. Winner!

But seriously, goodlak sa iyong quest. God bless. :)

 

Post a Comment

<< Home