Friday, February 02, 2007

pebrero dos...

kahapon ang evaluation ko para dun sa tatlong huling buwan ng 2006. medyo nalungkot ako sa binigay sa akin ng boss ko. sa aking opinion mababa masyado yun para sa mga ginawa ko o nagawa ko nung mga panahong yun. ang mga tinukoy na punto ay dahil dun sa kagagawan ng isang kasama ko sa trabaho. unang una, hindi ko naman kasalanan na ganun ang kalidad ng trabaho ng tao na yun. pangalawa, di ko din naman kasalanan na tinanggap nila yung tao na yun sa kumpanya na eto. pangatlo, di ko naman din lalo kasalanan at napunta siya sa team ko. sila sila din naman ang naglalagay ng mga tao sa mga project. hindi na din ako nagsalita dahil alam kong wala din namang kwenta kung pinatagal ko pa yung usapan. wala din naman mangyayari at di na din naman magbabago isip nila dun. hindi ako makatulog ng maayos kagabi dahil dun. iniisip ko talaga kung san ako nagkamali at kung ano pa ang mga pwede kong gawin. lahat ng anggulo sinilip ko. pagkatapos ng lahat ng pag-mu-muni muni na ginawa ko...naisip ko lang talaga na kung ganun ulit ang maging sitwasyon, hindi din maiiba at malalayo ang kahihinatnan nun.

siguro, oras na nga para buksan ko yung aking mga mata para sa mas magagandang oportunidad sa akin. tumagal na din naman ako ng higit dalawang taon dito. medyo hindi ako naging aktibo sa paghahanap ng ibang oportunidad. hindi ko sinasabi na maghahanap na talaga ako ng trabaho. pero magiging mas bukas na ako dun kesa dati. muhkang mahihirapan lang ako lalo dito at di ko makakamit yung mga gusto ko sa buhay ko eh.

minsan talaga...hindi mo maiaalis na ikumpara ang buhay mo sa ibang tao. ano ba meron sila na wala ka? bakit pinanganak silang mas may kaya kesa sa yo? andaming tanong pero parang ang hirap talagang sagutin. at sa mga ganitong pagkakataon, kung nahanap mo naman ang sagot, malamang sa hindi...malulungkot ka lang. tipong lalo mo lang ibabaon ang sarili mo pababa imbes na matuwa ka.

nakakawalang gana tuloy gumawa ng kahit anong bagay ngayon. ayaw gumana ng utak ko. ayaw gumalaw ng katawan ko. ayos!

kasalukuyang nakikinig sa: holding hands - say goodnight

0 komento:

Post a Comment

<< Home