bagong simula...
nung sabado, bumili ako ng bagong cellphone dun sa kaibigan kong nagbebenta ng mga cellphone at iba pang gadgets sa greenhills. ang napusuan kong model ay yung W810i ng Sony Ericsson. malupet din tong teleponong eto. kumpleto na din dahil may 2mp camera, mp3 player, radyo at organizer. swabe na din. pero kahit pano, namimiss ko na yung P910i ko. di naman kasi ako magpapalit ng cellphone kung di nasira yung keypads nun eh. haaaay...nakakalungkot. ako pa naman yung tipo ng tao na deins nagpapalit hanggang naluma na ng todo o nasira na yung bagay. kumbaga, sulit na sulit. kaya't ganun na din ako ka-alaga sa mga gamit ko.
kakaaliw. nakita ni mindy na nakabili na ako kaya ayan, pati siya'y naeengganyo na bumili din ng parehong modelo sa amin. haha!
2-0 na nga pala ang PBA finals. muhkang malabo talagang manalo ang Ginebra dahil sobrang lakas ng San Miguel. natatawa lang ako dahil parang binebenta na nga ng San Miguel ang laro pero kinapos pa din ang mga taga baranggay (halatang halata yung pagtira ni dorian pena ng freethrows niya). Sana makahabol pa ang mga taga Baranggay para masiyahan ang milyong milyon nilang taga-hanga. GI-NE- BRA! GI-NE-BRA! nakakamiss tuloy yung panahon nila pido, noli, vince, jawo, bal, marlou. dun ako last ginanahan sa panunuod ng PBA eh. hitik na hitik sa aksyon at kung ano ano pang katatawanan kapag nakakapanuod ka ng PBA. May batukan, may sikuhan, may murahan. Kumpleto! hehe!

1 komento:
★endlesssssss It's your news?
Post a Comment
<< Home