Tuesday, February 06, 2007

pebrero sais....

sa wakas. pagkatapos ng lahat ng poot at kabaliwhan na nararamdaman o nararanasan ko may mga magandang mangyayari din sa akin. mamayang gabi malamang magjamming kami ng bago kong banda. di ko pa alam kung ano mangyayari sa amin o ano ang tunog namin pero ang napagusapan namin na pagjajammingan ay ang "today" ng smashing pumpkins, "my hero" ng foo fighters, at "simple kind of life" ng no doubt. rekta na din siguro kami sa mga orihinal na kumposisyon ng bahista namin (na gitarista din ng bandang fancycakes).

umorder na din ako ng Holga galing kay whimpee ng Lomo Manila malamang daw ay pagkalipas pa ng pebrero disiyete ko makuha yun. ayus lang. saktuhan din. siguro naman pagdating ng araw na yun, may pera na ako. hehe! regalo ko na din yun sa sarili ko sa nalalapit kong kaarawan.

maligayang bati sa aking sarili. ayos. sana naman itong taong eto ay masaya na ako.

bawasan na ang pagiging emo. amf!

kasalukuyang nakikinig sa: session road - hiram

0 komento:

Post a Comment

<< Home