gusto kong matutong magdrive...
tuwing naririnig ko ang kantang overdrive ng batikang eraserheads, tuwang tuwa ako. ika nga ni ely sa isa sa mga gigs nila "this song is about escaping, going somewhere, just driving around". napakasimple nung kanta pero lagi akong tinatamaan. siguro dala ito ng pagod sa pagiging emo. sa pagiging malungkutin at mapagisip. gusto ko lang magdrive. gusto ko lang lumipad. gusto ko lang kumawala.
nakakapagod din yung lagi ka nagiisip. kanina, habang ako'y papasok sa opisina bigla nanaman akong tinamaan ng kalungkutan. andaming tanong ang biglang bumagabag sa isipan ko..."ano ba talaga ang gusto kong gawin? ano ba talaga ang mangyayari sa buhay ko? ano ba ang kahihinatnan ng lahat ng ito? kung maisip ko na ang gagawin ko, magiging matagumpay kaya ako dito?" sa bawat sagot na maisip ko para sa bawat tanong...may katumbas na kontra. ika nga nila...may katumbas na tamis ang lahat ng pait. may katumbas na ligaya ang bawat lungkot (kaso parang di ko pa nakikita yung akin). may katumbas na lalake ang bawat babae (anyenye!). ayun. samakatuwid, pagdating ko sa bus kanina inantok at napagod kagad ang utak ko sa kakaisip. ayun..tulog ako sa bus.
sa biyernes, magpapainom kami ni moel, albert, macky, carlo at choi. si moel, albert at macky ay aalis na sa kumpanyang pinagtratrabahuhan namin. si carlo ay bertday kasi nung huling araw ng enero't magkalapit lang ang amin ni choi. dun ko na lang siguro ibubuhos ang lahat ng sama ng loob ko. warakan nanaman to. amf!
pero habang di pa biyernes...
please please lang turuan niyo akong magdrive.

0 komento:
Post a Comment
<< Home