Wednesday, February 21, 2007

nagbibilang ng araw

ilang araw na lang aalis na ako. ganadong ganado na ako. ito na siguro ang pinakamalaking bakasyon ng buhay ko. wala akong iisipin kundi magrelaks, magenjoy, magpakasaya.

pagod na pagod na talaga ako sa araw araw na paulit ulit na iniisip pano ka kikita ng pera. kung pano ka mabubuhay ng mag-isa. kung pano mo kakayanin magkaroon ng sarili mong pamilya.

minsan may sumusulpot sulpot pang problema sa pag-ibig. pero steady lang. sabi ng APO "ganyan talaga ang buhay". sabi naman ng Dashboard Confessional "remember to breathe".

bukas, ako'y tutungo sa isang lugar kung saan ako'y makikipagsapalaran. pakiramdam ko'y para akong isang probinsyano na tutungo sa isang bagong lugar. pero alam ko na ang lahat ng ito'y panandalian lamang.

kasalukuyang nakikinig sa: dashboard confessional - the sharp hint of new tears

tangina mo talaga chris carraba. kahit gano kaluma na mga kanta mo, naiiyak pa din ako kapag naririnig ko mga kanta mo.

0 komento:

Post a Comment

<< Home