Wednesday, January 31, 2007

laplapan sa bus

lupet. kanina wala masyadong sakay yung bus. sa pinakalikod ako sumakay kasi medyo may kalakasan yung TV ng bus. maya maya may isang mag-irog na sumakay at tumabi sa akin sa likuran. bigla na lang naglaplapan yung dalawa. hahaha! hindi man lang sila nahiya. walang tint yung bus, ang liwanag. pati yung kunduktor, medyo napapatingin kapag kumukuha ng bayad sa ibang nakasakay eh. sa lakas ng TV, naririnig ko pa din yung "tsup tsup" na tunog. lupet. hahaha!

wala lang. aliw na aliw ako dun. kala ko magshoshow na sila kanina eh. kabitin. haha!

Friday, January 26, 2007

ansarap ng walang trapik

ang sarap talaga magdala ng kotse papasok sa trabaho. onti ang hasel, di ka nauusukan, di ka pagod. medyo magastos nga lang, pero swak na din. ngayon, tuwing biyernes lang ako nakakapagdala ng oto dahil wala na akong libreng mapaparadahan. kinuha na kasi ng mga pinuno ng kumpanyang eto yung mga paradahan na bakante eh. kaya tuwing biyernes, napapagastos ako ng P120 sa pagparada ko dyan sa PBCom tower. ayus na din. isang beses sa isang linggo masarap ang buhay ko maski butas ang bulsa. mwehehe!

ang aga ko nakatulog kagabi. siguro sa sobrang pagod sa layo ng nilakad ko pauwi at dahil na din sa mga bagay na paulit ulit tumatakbo sa isip ko. kanina naman, ang aga ko sobra nagising. ayun, parang pagod pa din ang isip ko. hahaha! labo. naisip ko na kung pinayagan ako ng boss ko na magbakasyon ng isang buwan, magsisilbi na din talaga itong pahinga. medyo may katagalan na din kung kelan ako nakapagrelaks at nagpakasaya.

usapang musika naman. etong mga nakaraang buwan, masyado kong nilunod ang sarili ko sa opm. napagisip isip ko kasi na andaming mga grupo o mga nilalang dito sa pilipinas na magaganda ang ginagawa. lalo na't umuusbong ang eksena ng tugtugan. "love your own" kumbaga. siguro, isa lang yan sa onting bagay na pwede ko pagyabang sa pinas. P&^%$ ina mo pa din gloria! hehe! umayos ka na sana. sama mo na yung kunwari mong asawa na maraming pera sa ibang bansa.

balik tayo sa kinukwento ko...wala lang. itong mga nakaraang linggo kasi, parang naging bukas na ulit ako sa pagdinig ng mga banyagang mga banda o grupo. ansaya din dahil andami kong napupulot na diskarte sa pagtugtog na pwede ko sigurong gamitin o haluan ng sarili kong istilo. kahit alam kong deins ako magaling, pinagpipilitan ko pa din sarili ko na tumugtog. kakaiba talaga kasi yung pakiramdam kapag nasa entablado na ako. tipong wala kang pakialam, tipong gusto mo lang ilabas lahat. "natural high" ika nga. astig! astig! kaya yun lang po. abangan niyo po yung bago kong banda...sobrang lapit na neto (sinasabi ko na sobrang lapit na mabuo neto simula setyembre nung nakaraang taon pa. haha!).

teka, magtatrabaho muna ako. mamaya na lang ulit ako magpapaskil ng mga naiisip ko.

Thursday, January 25, 2007

enero bente singko, huwebes

ewan ko ba kung anong meron sa araw na to pero medyo nalungkot nanaman ako. amf!!! minsan talaga tinatamaan ka ng kalungkutan sa di mo maisip na kadahilanan. siguro nung namigay ang diyos ng kalungkutan, dalawang beses ako pumila dati.

may mga bagay na sadyang di mo makuha kahit na anong gawin mo. ibig lang siguro nito sabihin, hindi ito para sa yo. dahil kung di ukol, di bubukol. kaya nga minsan, kapag sinasabihan ka ng mga tao na "kung may gusto ka...gawan mo ng paraan." pwede mo silang murahin dahil malamang sa hindi, hindi ka nila naiintindihan. wala sila sa sitwasyon mo. kapag minamaliit ka sa isang bagay na tuwang tuwa ka. murahin mo din...sabayan mo na ng batok. ibig lang sabihin nun, nagmamayabang sila at sinusubukan nilang pabagsakin ka. taena niyo!

nagpaalam na ako sa boss ko na magpapahinga muna ako ng isang buwan. gusto ko lang siguro na pagbigyan ang sarili ko na makapagisip isip kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay. siguro, dito ko na din susubukan na ituloy yung matagal ko nang binabalak. pagpalain naman sana ako ni lord.

may kwento nga pala ako. kagabi, nakipagkita ako sa mga magiging bago kong kabanda. nakilala na din namin yung dapat kakanta sa amin. pero ewan ko ba. parang may mali eh. okey naman po itsura niya, seksi naman po. gustong gusto ng mga kabanda ko maski di pa namin naririnig kumanta. pero parang meron siyang alinlangan sa pagsali. siguro dahil pers taym niya sumali sa ganun. sanay siguro sa eksena na tipong R&B at showband ang tugtugan. pers taym niya nakasama sa gig kung saan halo halo ang tugtugan. may pop, may rock, may alternative, may mga gurang na tumutugtog. hehe! ngayon daw siya magbibigay ng desisyon niya sa akin. sa sarili kong pananaw, mas maigi siguro na subukan muna namin ng ilang tugtugan o jamming session para maramdaman namin talaga kung okey ba kami sa isa't isa. kating kati na talaga kaming tumugtog. yung drummer at ako, medyo matagal na nabakante, yung isa pang gitarista namin...pers taym din na magbabanda kaya medyo ganado din. yung bahista naman pers taym magbabaho. so lahat eto may kapaan talaga na mangyayari.

naknamf!!! pinangako ko na sa sarili ko na hindi ako magiging emo sa blog na to ah. sadyang hindi ata maiwasan yung ganito.

iniisip ko na lang na kung ako malungkot...may mas malungkot sa akin. hahaha! loser!

kasalukuyang nakikinig sa: dong abay - perpekto

Wednesday, January 24, 2007

mga malulupet na pick up lines!

nakuha ko ito sa isang email galing sa ka-opisina ko. ambabaw lang pero lafftrip talaga to. enjoy!

Pick-up lines ng mga malulufet….

1. Minamalat na naman ang puso ko..
*** paano kasi, laging sinisigaw ang pangalan mo..

2. Ikaw ba may-ari ng Crayola??
*** ikaw kasi nagbibigay ng kulay sa buhay ko..

3. Uy picture tayo!!
*** para ma-develop tayo!!

4. Kung ikaw ay bola at ako ang player, mashushoot ba kita??
*** hinde, para lagi kita mamimiss..

5. Can i take your picture??
*** coz i want to show Santa exactly what i want for christmas!!

6. Exam ka ba??
*** gustong gusto na kasi kitang i-take home eh!!

7. Lecture mo ba ako??
*** lab kasi kita..

8. Centrum ka ba??
*** kasi you make my life complete!!

9. Miss pwede ba kita maging driver??
*** para ikaw na magpapatakbo ng buhay ko..

10. Mahilig ka ba sa asukal??
*** ang tamis kasi ng mga ngiti mo..

11. Pinaglihi ka ba sa keyboard??
*** kasi type kita..

12. I hate to say this but... You are like my underwear..
*** coz i can't last a day without you!!

13. Ibibili kita ng salbabida..
*** kasi malulunod ka sa pagmamahal ko..

14. Pwede ba kitang maging sidecar??
*** single kasi ako eh..

15.Me lisensya ka ba??
*** coz you're driving me crazy eh..

16. May kilala ka bang gumagawa ng rel??
*** may sira ata relo ko.. pag ikaw kasi kasama ko, humihinto ang oras ko..

17. Grabe nakakatawa yung mga pick-up lines noh?? hahaha! May alam ka pa bang iba?? Wala na akong maisip eh..
*** coz all i ever think of is you..

18. I'm a bee..
*** can you be my honey??

19. Nakakatakot di ba ang multo??
*** pero mas nakakatakot kapag nawala ka sa buhay ko..

20. Am i a bad shooter??
*** coz i keep on missing you..

21. May lahi ka bang aswang??
*** ang pangit mo kasi eh..

22. Naniniwala ka ba sa love at first sight??
*** O gusto mong dumaan ulit ako??

23. Mabilis ka siguro sa mga puzzle noh??
*** kasi kakasimula pa lang ng araw ko, pero nabuo mo na agad..

24. Excuse me.. Are you a dictionary??
*** because you give meaning to my life..

25. Bangin ka ba??
*** nahuhulog kasi ako sa'yo..

26. Pustiso ka ba??
*** kasi, can't smile without you..

27. Pagod na pagod ka na noh??
*** maghapon at magdamag kana kasing tumatakbo sa isipan ko eh..

28. Me butas ba puso mo??
*** kasi natrap na ako sa loob, can't find my way out!!

29. Anung height mo??
*** ha?? pano ka nagkasya sa loob ng puso ko..

30. Hey, did you fart??
*** coz you blew me away!!

31. Sana "T" na lang ako..
*** para i'm always right next to "U"

32. Are you Jamaican??
*** kasi Ja-maican me crazy!!

33. Nde tayo tao..Nde hayop …BAGAY tayo…BAGAY tlga tayo…
34. Ako ay isang exam…kaya sagutin mo na ako...

kasalukuyang nakikinig sa: chicosci - 7 black roses

enero bente kwatro...

zzzzzzzzzzzzzzz...mamayang gabi kermit productions po sa kolumn bar. pupunta po kami ng bago kong banda pero di kami tutugtog. bonding lang...o di kaya, banding lang po muna. mamaya na siguro paguusapan kung kelan ang unang jam namin. hehe! sana matuloy na eto para may mabura na ako sa listahan ko ng mga bagay na gustong gawin pero di ko magawa.

kahapon, kinausap din ako ng aking pinakamamahal na inay. pinagpipilitan na niya na pumunta na ako ng singapore. yun lang. pareho pa din ang sagot ko sa kanya. di ko kaya dahil wala akong pera. olats.

sana'y pagpalain naman ako ng diyos. :)

itong mga nakaraang araw nga pala...madalas ay sinusubukan ko na maging masaya. medyo bawas na po sa pagiging malungkot o emo. nakakapagod din maging ganun ah. wala din naman akong napapala. kaya eto...ngitian na lang natin ang mga walang kwentang nangyayari sa buhay natin. amen!

kasalukuyang nakikinig sa: bamboo - awit ng kabataan (live)

Monday, January 22, 2007

enero bente dos, lunes...

lupet. bago nga blog ko, napakatamad ko naman magsulat dito. naisip ko bigla. walangya, tala-arawan to ah. dapat araw araw ko sinusulatan to. ang kaso eh wala namang nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw.

hanggang ngayon itong mga to pa din ang pinagdadasal ko...

1. makahanap ng trabaho sa singapore. parang awa niyo na. pagod na pagod na ako sa bansang eto. kating kati na ako umalis dito. walang kwenta ang mga nagpapatakbo ng bansang eto. kahit pagbalibaliktarin mo pa ang mga namumuno, pareparehong tae lang yang mga yan.

2. mabuo yung bago kong combo. tatlong bokalista na ang nakausap namin pero sadyang mailap sa amin ang kantatero. yung una, estudyante pa lang...ang sabi sa amin ay tutuunan niya muna ng pansin ang kanyang pag-aaral. yung pangalawa, medyo malambot ang tunog na gusto. pop, ika nga. hehe! yung pangatlo naman...ok na sana. kaso biglang umatras sa mga kadahilanang di ko din alam (ang sabi niya ay family emergency daw, pero malay ba natin). paksyet! sana lang matuloy na to, kating kati na ako gumawa ng musika at tumugtog ulit sa isang entablado.

**onting palatastas lang po. sa enero trenta'y uno, tutugtog yung isa ko pang banda, ang holding hands sa kolumn bar sa may tomas morato. sana po makadalo kayo dun dahil olats kami. sobrang tagal na namin di tumutugtog. hehe! pero seryoso po, maganda po mga kanta namin at nakakaiyak. e-log ika nga. emo na tagalog. hehe!

3. mabili ko yung mga bagay na gusto kong mabili. simpleng simple diba?

salamat sa pagtangkilik. balik po tayo sa kung ano man yung pinagtutuunan niyo ng pansin bago kayo napadpad dito.

kasalukuyang nakikinig sa: hiraya - the flight

Wednesday, January 10, 2007

new year's resolution

o nga pala. isa ako sa mga klase ng tao na hindi naniniwala sa mga sinasabing new year's resolutions. ito'y dahil hindi naman nasusunod ang mga ito't pawang mga kalokohan lang. pero eto ako't gumawa ako ng sarili kong new year's resolution at wala akong balak na hindi ipatupad eto.

napagusapan namin ng mga ka-opisina ko na magpapayat na pagsapit ng bagong taon. ang lupet, dalawa kami ni Benjo na nagumpisa na. tipong mga tuna na lang at tinapay para sa pananghalian. bale binabago lang namin ang aming mga habits pagdating sa pagkain.

kakain kami ng agahan na may kanin at parang isa ito sa mga normal mong kinakain. pagdating ng pananghalian, tinapay na lang ang kakainin namin tapos sa hapunan kakain kami ng kakaunting kanin. ang rason ko kung bakit ako kakain pa din ng kanin sa gabi ay para umabot ako kinabukasan kung saan yun na ulit ang sunod na kain ko.

sana maibalik ko ang dati kong timbang at itsura. para maibalik ko din ang numero ng mga babae ko. hehe! biro lang po.

kasalukuyang nakikinig sa: mayonnaise - panaginip

tuloy ang ligaya

pangalawang sunod na araw ko na to na halos wala akong ginagawa sa opisina. medyo nagaantay lang naman din ako ng gagawin pero andun na din yung parte na tinatamaan talaga ako ng katamaran. sa kasalukuyan, dalawang bagay lang ang prioridad sa buhay ko (yan ay bukod sa pamilya at sa aking kasintahan). ang makabuo ulit ng isa pang banda at makapaghanap ng trabaho sa Singapore. medyo magkasalungat yung mga planong yun noh? pero naisip ko na itong dalawang ito ang gusto kong gawin ngayon. medyo desidido ako na kahit pano, kahit isa sa mga yan ay matupad. kumbaga, kung wala yung isa, at least okey pa rin ako.

kanina lamang, nagpadala ng mensahe ang kaibigan kong si dey sa akin na hindi na daw siya sasali sa banda. nagkaroon daw ng family emergency kaya hanap na lang daw ng iba. ok. eh di tuloy ang paghahanap. sana sa mga sunod na araw, may mahanap na kami na kakanta para sa amin. mas papabor sa amin kung kakilala na namin o di naman kaya ay kakilala ng kakilala. iwas na din sa mga isyu na pwedeng pag-ugatan ng hindi pagkakasundo.

itong mga nakaraang araw, parang nangangati akong bumili ng bagong laruan. hindi ko alam kung ano ito pero alam kong gusto kong may pinagkakaabalahan ako. pwedeng ipod, zune, o di naman kaya'y camera. pero ang problema, wala naman akong perang pang-gastos. eto't nasira pa ang aking altec lansing na headphones. naknangkamote naman! tapos eto pa. wag ka. oras na para sa pag-tune up ng aking kotse.

naknampota. walang katapusang gastos. walang katapusang problema. ang hirap nga namang maging mahirap.

kasalukuyang nakikinig sa: dong abay - kukote