bagong taon
kanina habang ako'y papasok dito sa trabaho naisip ko na medyo nakaka-alarma yung dami ng tao na magreresign sa amin sa susunod na taon. hindi ko din sigurado kung isa na ako sa mga mapapasama sa bilang na yun. hindi naman ako tulad ng iba dyan na madaling madala sa mga tao. tipong mga tropa mo aalis na, kelangan umalis ka na din. kung sakali man na ituloy ko ito, meron talaga akong mga rason na naisip.
unang una, gusto ko na talaga mapunta sa singapore. oo, dun sa boring na bansa na yun. oo, dun sa bansa na yun na kasing laki lang ng metro manila. oo, dun sa bansa na yun kung san tingin ko makakaipon ako ng pera. oo, dun sa bansa na yun na sobrang linis at tahimik. pwede ko pa pagpatuloy yung mga rason ko kung bakit gusto kong pumunta dun pero titigil na ako.
pangalawa sa mga rason ko ay medyo napapagod na ako dito sa trabaho ko pero wala namang nangyayari sa akin dito. lampas isang taon na at hindi pa din tinataasan ang sahod ko. puro ka obertime pero yung sinusukling bayad sa iyo'y hindi naman sapat. hindi naman ata makatarungan yun.
pangatlong rason, tingin ko talaga mahirap mabuhay sa bansang eto. tuluyan na akong nawalan ng respeto at pag-asa sa walang kakwenta kwentang namumuno sa bansa natin. simula sa ating walang kwentang pangulo na si gloria (putangina mo! hingi angkop ang pangalan mo sa yo pandak!), hanggang sa mga baranggay tanod na kadalasa'y nangingikil ng kung sino sino sa lugar na sakop niya. basta para sa akin, kapag may kinalaman ka sa gobyerno, wala kang kwentang tao. masahol pa ang mga tao na may kinalaman sa gobyerno kesa sa mga reypis na pidopilya. dahil parang ganun na din naman ang ginagawa niyo. niloloko niyo ang mga tao na pinaniwala niyo sa mga walang kakwenta kwentang mga paasa niyo.
ahem...pasensya na. pwede ko pagpatuloy yung mga hinanakit ko sa gobyerno natin pero titigil na ako dahil hindi ako matatapos dito. hehe!
pang-apat na rason, bukod sa mas madali akong makakaipon ng pera sa ibang bansa, naisip ko na gusto ko ding maranasan ang mamuhay mag-isa. yung tipong walang nangengealam sa yo kung ano man gawin mo sa buhay mo.
sa ngayon, pinagdadasal ko lang na sana may kumuha na sa akin dun. hehe!
kasalukuyang nakikinig sa: the beatles - help!
