paikot ikot ang storya ng mundo
*&^%$#@!!! walang katapusang ka-emohan at kamalasan. ayaw ko na! pagod na pagod na ako! kelan ba ako dadaanan ng swerte? wag na wag niyo din akong sasabihan na may mas malas pa sa akin dahil hindi ako sila. hindi ko nararamdaman ang nararamdaman nila. lalo nang hindi niyo nararamdaman ang nararamdaman ko. hindi ko din iniisip ibang tao (for a change) dahil hindi naman nila ako iniisip.
putangina. ano ba nangyayari sa akin? dati masiyahin akong tao. optimistic ika nga. pero ngayon ang baso..laging kalahating ubos. hindi kalahating puno. amf!
sabi nga ng razorback: "sino bang nagpapaikot ng mundo? pakipara lang po't bababa na ako!". ayoko na! suko na talaga ako.
teka...para patas at kahit pano may rason akong mag-aangal dito...
kaninang umaga, nagemail sa akin yung accouting ng kumpanyang to. kulang daw yung mga binayaran kong tax ng mga P2,500. oo, mas malaki sa ibang tao. pero ano ngayon? ako ba sila? hindi. malamang naman mas marami silang pera kesa sa akin at kaya nilang bayaran yun. eh ako? hindi na nga umaabot ng diyes mil ang sweldo ko kada kinsenas eh...madadagdagan pa ng kaltas. parang hindi pang project manager yung nakukuha ko noh? totoo yan. you fucking better believe it.
hindi ko na ililista yung iba pang rason din. dahil hindi ako matatapos.
'tila nga't tama ang kasabihan ng nakararami...pera nga ang nagpapaikot ng mundo. napansin ko lang sa lipunan natin (hindi lang dito sa kumpanyang ito) na kapag mayaman ka. ikaw na ang pinakamagaling. ikaw na ang laging tama. na walang kwenta at walang masasabi ang mga walang pera. kung big time ka (dahil mayaman ka), ikaw ang titingalain. kung mayaman ka...may "K" ka, may say ka sa lahat. para kang artista na titingalain ng lahat. bibigyang puri. putangina niyong lahat.
so teka...mabalik tayo sa usapan...sa laki ng tax na binabayaran ko (putangina niyo, wag niyo sasabihin na malaki ang tax ko dahil malaki sweldo ko. pakibasa ulit yung sinulat ko sa taas kung magkano nakukuha ko tuwing kinsenas. go figure biatch!)...san napupunta yung pera? ang mga kalsada na dinadaanan ng mga kotse natin malubak pa din. yung mga pulis nagpapatrapik. yung mga stoplights di gumagana. mga walang kwentang taong nakaupo sa pwesto, kung ano ano lang ang pinagtatalunan. tumataas ang bilihin. i can continue to rant about every little fucking thing that is happening right now but i will just choose to stop. because i want to. from now on. i will do things the way i want them to be done. no matter what other people say or tell me. fuck them. fuck everyone!
currently fucking listenin' to: the teeth - shooting star

0 komento:
Post a Comment
<< Home