Thursday, January 25, 2007

enero bente singko, huwebes

ewan ko ba kung anong meron sa araw na to pero medyo nalungkot nanaman ako. amf!!! minsan talaga tinatamaan ka ng kalungkutan sa di mo maisip na kadahilanan. siguro nung namigay ang diyos ng kalungkutan, dalawang beses ako pumila dati.

may mga bagay na sadyang di mo makuha kahit na anong gawin mo. ibig lang siguro nito sabihin, hindi ito para sa yo. dahil kung di ukol, di bubukol. kaya nga minsan, kapag sinasabihan ka ng mga tao na "kung may gusto ka...gawan mo ng paraan." pwede mo silang murahin dahil malamang sa hindi, hindi ka nila naiintindihan. wala sila sa sitwasyon mo. kapag minamaliit ka sa isang bagay na tuwang tuwa ka. murahin mo din...sabayan mo na ng batok. ibig lang sabihin nun, nagmamayabang sila at sinusubukan nilang pabagsakin ka. taena niyo!

nagpaalam na ako sa boss ko na magpapahinga muna ako ng isang buwan. gusto ko lang siguro na pagbigyan ang sarili ko na makapagisip isip kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay. siguro, dito ko na din susubukan na ituloy yung matagal ko nang binabalak. pagpalain naman sana ako ni lord.

may kwento nga pala ako. kagabi, nakipagkita ako sa mga magiging bago kong kabanda. nakilala na din namin yung dapat kakanta sa amin. pero ewan ko ba. parang may mali eh. okey naman po itsura niya, seksi naman po. gustong gusto ng mga kabanda ko maski di pa namin naririnig kumanta. pero parang meron siyang alinlangan sa pagsali. siguro dahil pers taym niya sumali sa ganun. sanay siguro sa eksena na tipong R&B at showband ang tugtugan. pers taym niya nakasama sa gig kung saan halo halo ang tugtugan. may pop, may rock, may alternative, may mga gurang na tumutugtog. hehe! ngayon daw siya magbibigay ng desisyon niya sa akin. sa sarili kong pananaw, mas maigi siguro na subukan muna namin ng ilang tugtugan o jamming session para maramdaman namin talaga kung okey ba kami sa isa't isa. kating kati na talaga kaming tumugtog. yung drummer at ako, medyo matagal na nabakante, yung isa pang gitarista namin...pers taym din na magbabanda kaya medyo ganado din. yung bahista naman pers taym magbabaho. so lahat eto may kapaan talaga na mangyayari.

naknamf!!! pinangako ko na sa sarili ko na hindi ako magiging emo sa blog na to ah. sadyang hindi ata maiwasan yung ganito.

iniisip ko na lang na kung ako malungkot...may mas malungkot sa akin. hahaha! loser!

kasalukuyang nakikinig sa: dong abay - perpekto

0 komento:

Post a Comment

<< Home