tuloy ang ligaya
pangalawang sunod na araw ko na to na halos wala akong ginagawa sa opisina. medyo nagaantay lang naman din ako ng gagawin pero andun na din yung parte na tinatamaan talaga ako ng katamaran. sa kasalukuyan, dalawang bagay lang ang prioridad sa buhay ko (yan ay bukod sa pamilya at sa aking kasintahan). ang makabuo ulit ng isa pang banda at makapaghanap ng trabaho sa Singapore. medyo magkasalungat yung mga planong yun noh? pero naisip ko na itong dalawang ito ang gusto kong gawin ngayon. medyo desidido ako na kahit pano, kahit isa sa mga yan ay matupad. kumbaga, kung wala yung isa, at least okey pa rin ako.
kanina lamang, nagpadala ng mensahe ang kaibigan kong si dey sa akin na hindi na daw siya sasali sa banda. nagkaroon daw ng family emergency kaya hanap na lang daw ng iba. ok. eh di tuloy ang paghahanap. sana sa mga sunod na araw, may mahanap na kami na kakanta para sa amin. mas papabor sa amin kung kakilala na namin o di naman kaya ay kakilala ng kakilala. iwas na din sa mga isyu na pwedeng pag-ugatan ng hindi pagkakasundo.
itong mga nakaraang araw, parang nangangati akong bumili ng bagong laruan. hindi ko alam kung ano ito pero alam kong gusto kong may pinagkakaabalahan ako. pwedeng ipod, zune, o di naman kaya'y camera. pero ang problema, wala naman akong perang pang-gastos. eto't nasira pa ang aking altec lansing na headphones. naknangkamote naman! tapos eto pa. wag ka. oras na para sa pag-tune up ng aking kotse.
naknampota. walang katapusang gastos. walang katapusang problema. ang hirap nga namang maging mahirap.
kasalukuyang nakikinig sa: dong abay - kukote

0 komento:
Post a Comment
<< Home